outbrain

LGUs inatasang gumawa ng hakbang para maiwasan ang paglaganap ng ASF

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 05:34 PM

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang lahat ng local government units (LGUs) na higpitan pa ang ipinatutupad na hakbang para maawat ang paglaganap ng African swine fever (ASF).

Sinabi ni Año na maituturing na urgent matter ang ASF dahil apektado nito ang pangkabuhayan ng hog raisers.

Hinimok ni Año ang mga LGU na sundin ang protocol na ipinatutupad ng Department of Agriculture (DA) kabilang ang pagbuo at pagpapalakas ng ASF Prevention and Control Plans; pagsasagawa ng public awareness sa ASF; surveillance; at border control and movement management.

Pinapurihan naman ng DILG ang mga LGU na naglalaan ng sapat na pondo para malabanan ang ASF at matulungan ang apektadong hog raisers.

Kabilang dito ang bayan ng Mapandan sa Pangasinan na nagbigay ng P1,000 sa bawat kinatay na baboy.

Gayundin sa Bayambang, Pangasinan na nagkaloob ng dalawang kaban ng bigas sa bawat kinatay na baboy.

TAGS: ASF, Breaking News in the Philippines, DILG, hog raisers, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ASF, Breaking News in the Philippines, DILG, hog raisers, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.