outbrain

Pangulong Duterte tiwalang malinis si Espenido

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 05:24 PM

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na malinis si Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Reaksyon ito ng Malakanyang kasunod ng pagkakasama ng pangalan ni Espenido sa listahan ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mayroong black propaganda laban kay Espenido na dungisan ang kaniyang reputasyon lalo pa at matindi ang kaniyang kampanya kontral ilegal na droga.

“There appears to be a black propaganda waged against Lt. Col. Espenido to besmirch the reputation of the latter in the eyes of PRRD and the Filipino nation, and to derail his unrelenting campaign against illegal drugs,” ayon kay Panelo.

Sinabi ni Panelo na nananatili ang tiwala ng pangulo kay Espenido.

At naniniwala ang pangulo na ang mga ulat na sangkot si Espenido sa kalakaran ng illegal drugs ay walang katotohanan.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, drug war, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Police Lt. Col. Jovie Espenido, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Breaking News in the Philippines, drug war, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Police Lt. Col. Jovie Espenido, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.