outbrain

25 anyos na Pinay na kabilang sa inilikas mula Wuhan nakitaan ng senyales ng anxiety – DOH

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 05:00 PM SHARE(S):

Nakitaan ng senyales ng anxiety ang isang 25 anyos na Pinay na kabilang sa 32 inilikas mula Wuhan City sa China.

Ayon sa Department of Health (DOH), ilalabas sa quarantine facility sa New Clark City sa Tarlac ang babae at dadalhin sa Bataan General Hospital.

Hindi pa naman malinaw kung ang pagkakaroon niya ng anxiety ay nagsimula sa Wuhan City na ground zero ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Maria Rosario Vergeire, assistant secretary ng Department of Health (DOH), hindi makatulog ang babae sa loob ng ilang araw mula nang dumating ito sa bansa noong Linggo.

Maliban sa nakitaan ng senyales ng anxiety wala namang sintomas ng flu na nakita sa babae.

Kailangan lang ayon kay Vergeire na dalhin ito sa pagamutan para masuri ng mga eksperto.

 

TAGS: Anxiety, Breaking News in the Philippines, China, COVID-19, doh, filipinos from wuhan city, Hubei, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Anxiety, Breaking News in the Philippines, China, COVID-19, doh, filipinos from wuhan city, Hubei, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.