331 na close contacts ng 3 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nakatapos na ng quarantine
Nakakumpleto na ng kanilang quarantine ang 311 na katao na nagkaroon ng close contact sa tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Maria Rosario Vergeire, Assistant Secretary ng Department of Health (DOH), 218 mula sa 277 contacts ng unang dalawang kaso ng COVID-19 sa bansa na Chinese couple galing Wuhan ang natapos na sa quarantine period.
Mayrooong 15 iba pa na close contacts ng Chinese couple ang nakasailalim pa sa home quarantine, habang 44 ang naka-admit sa ospital at kabilang sa mga patients under investigation (PUIs).
Para naman sa ikatlong nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa na isang 60-anyos na babaeng Chinese, 255 sa 740 na contacts nito ang nahanap na ng DOH Epidemiology Bureau at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.
Sa nasabing bilang, 172 na ang nakapanayam ng DOH at 93 sa kanila ang nakakumpleto na ng home quarantine.
Mayroon namang 62 ang kasalukuyan pang naka-home quarantine.
Labingpito naman ang nakitaan ng sintomas kaya dinala sa ospital at itinuring na PUIs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.