Sanggol na tinamaan ng COVID-19 sa Hubei Province nakalabas na ng ospital

Nakalabas na ng ospital ang 14-month old na sanggol na nagkaroon ng coronavirus disease (COVID-19).

Ang baby boy ay dinala sa ospital sa Hubei Province noong Jan. 26 dahil sa diarrhea at pagsusuka.

Nang magamot ito dahil sa diarrhea ay nakitaan naman ito ng sintomas ng hirap sa paghinga kaya dinala sa ICU isolation ward.

Kalaunan ay nagpositibo ang bata sa COVID-19.

Naka-recover naman na ang bata kaya pinalabas na ito ng pagamutan.

Read more...