Deadline para sa pagsusumite ng entry sa Metro Summer Film Festival bukas na ayon sa MMDA

Bukas na ang deadline para pagsusumite ng entry sa Metro Summer Film Festival (MMSFF).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang bukas na lamang sila tatanggap ng entry.

Ang MMSFF ay film competetion para sa mga estudyante.

Mayroon itong temang “Pinoy Pride” at kabilang sa critera ang artistic excellence (70 percent), Filipino cultural sensibility (20 percent) at global appeal (10 percent).

Sa March2 iaanunsyo ang mga official entry habang ang screening ay mula April 11 hanggang 21.

Gaya ng MMFF, mayroon ding Parade of Stars para sa summer film festival na gaganapin sa Quezon City sa April 5.

Read more...