Petsa para sa 2020 Bar Exams inilatag na ng SC
Itinakda na ng Korte Suprema ang petsa ng 2020 Bar Examinations.
Ayon sa inilabas na bulletin ng Office of the 220 Bar Chair, gaganapin ang exams sa apat na magkakasunod na Linggo ng Nobyembre 2020.
Sa sumusunod na petsa gagawin ang pagsusulit:
November 8, 2020
– Political and International Law
– Labor Law and Social Legislation
November 15, 2020
– Civil Law
– Taxation Law
November 22, 2020
– Commercial Law
– Criminal Law
November 20, 2020
– Remedial Law
– Legal Ethics and Practical Exercises
Ang oras ng exams ay alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali at ala 1:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ang lugar na pagdarausan ng bar exams ay iaanunsyo naman sa hiwalay na bulletin na ipalalabas ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.