outbrain

Pagtalaga kay retired Justice Lucas Bersamin sa GSIS kinumpirma ng Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 02:54 PM

Kinumpirma na ng Malakanyang ang paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Chief Justice Lucas Bersamin bilang chairperson ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, itinalaga din si Bersamin bilang miyembro ng Board of Trustees ng GSIS.

Ani Panelo, kumpiyansa ang palasyo na pagsisilbihan ni Bersamin ang GSIS ng katulad ng dedikasyong ipinakita niya sa maraming taon niya sa gobyerno partikular sa hudikatura.

Sampung taong nanilbihan sa Korte Suprema si Bersamin at taong 2018 nang mahirang bilang Chief Justice.

TAGS: Breaking News in the Philippines, GSIS, GSIS chairperson, Inquirer News, Lucas Bersamin, News in the Philippines, PH news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, GSIS, GSIS chairperson, Inquirer News, Lucas Bersamin, News in the Philippines, PH news, President Rodrigo Duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.