outbrain

Isa pang PUI pumanaw dahil sa cardiovascular attack

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 01:34 PM SHARE(S):

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon pang isa na itinuturing na patient under investigation (PUI) ang pumanaw.

Ang 71 anyos na PUI mula sa Region 1 ay pumanaw Huwebes (Feb. 13) ng gabi dahil sa cardiovascular attack.

Agad namang tiniyak ni DOH Assistant Secretary Dr. Maria Rosario Vergeire na nag-negatibo sa COVID-19 ang pasyente.

Isinailalim lamang sa monitoring ang pasyente dahil sa kaniyang sintomas.

Pero nang lumabas ang resulta sa ginawang pagsusuri sa kaniya ay negatibo naman ito sa naturang sakit. (END)

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PUI, PUI death, radyo inquirer Dona Dominguez-Cargullo, Region 1, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, doh, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PUI, PUI death, radyo inquirer Dona Dominguez-Cargullo, Region 1, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.