outbrain

LOOK: 300 couples ikinasal sa taunang mass wedding ng PAG-IBIG Fund

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 01:45 PM SHARE(S):

Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagkakasal sa 300 couples sa taunang mass wedding ng PAG-IBIG Fund.

Idinaos ang Kasalang Bayan ngayong Valentine’s Day, February 14 sa PAG-IBIG Fund Tent City, Manila Hotel.

Sa kaniyang mensahe sa mga ikinasalm sinabi ni Mayor Isko na ang pag-aasawa ay humihirap habang tumatagal.

Kaya aniya mahalaga ang tolerance at understanding sa mag-asawa para maharap ang maraming pagsubok.

Dumalo rin sa seremonya ang mga opisyal ng PAG-IBIG Fund.

Ayon kay PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti ang taunang Kasalang Bayan ay layong matulungan ang mga member-couples na maisapormal ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Manila Hotel, mass wedding, News in the Philippines, pag-ibig fund, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Manila Hotel, mass wedding, News in the Philippines, pag-ibig fund, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.