Mga nanganganak ng nasa edad 10 hanggang 14 patuloy sa pagtaas – POPCOM
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasa edad 10 hanggang 14 o very young adolescents sa bansa na nanganganak.
Ayon kay Commission on Population Development o POPCOM Executive Director Usec. Juan Antinio Perez, ito ay base sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority kung saan mula sa 1,958 births noong 2017 ay umakyat ito sa 2,250 noong 2018.
Mula anila noong 2011 na may 1,381 ay umakyat ito ng 63 percent noong 2018 o 2,250.
Bumaba naman ang bilang ng mga nasa edad 15 hanggang 19 o adolescents ang nagsisilang ng sanggol.
Sabi ng Perez mula 182,906 noong 2017 bumaba ito patungong 181,717 noong 2018.
Ilan sa nakikitang dahilan ng opisyal ng pagtaas ng bilang ng ng mga very young adolescents na nanganganak ay dahil sa maagang pagreregla, child marriage at internet access.
Nahihiya din anya ang mga ito na magtanong sa mga nakatatanda kaya maagang nabubuntis bukod pa ang hindi masyadong pinapansin ng mga institusyon na pinupuntahan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.