Pagdedeklara ng buwan ng Oktubre bilang Cooperative Month pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon February 14, 2020 - 01:11 PM

Ipinapadeklara ng Kamara ang buwan ng Oktubre bilang National Cooperative Month o Buwan ng mga Kooperatiba.

Ito ay matapos makalusot sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 5422 sa botong 226 Yes at wala namang pagtutol.

Layunin ng panukala na hikayatin ang lahat ng sektor tungo sa nation-building sa pamamagitan ng mas malawak na pakikilahok sa kooperatiba.

Kinikilala ang mga kooperatiba bilang rehistradong asosasyon na boluntaryong nag-aambag ng kanilang kontribusyon para sa iisang adhikain na itaas ang kalidad ng buhay.

Ang kooperatiba din mismo ang nagbibigay ng sariling kapital para sa pamumuhunan at mga pagsasanay upang maitaas ang purchasing powers sa paglago ng kanilang kita.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Buwan ng mga Kooperatiba, Cooperative Month, House Bill 5422, Inquirer News, News in the Philippines, october, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Buwan ng mga Kooperatiba, Cooperative Month, House Bill 5422, Inquirer News, News in the Philippines, october, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.