Panawagang isama ang Singapore sa travel ban dahil sa COVID-19 tinutulan ni Rep. Ong
Tutol si House Committee on Tourism Vice Chairman Ronnie Ong sa panawagan na isama sa travel ban ang Singapore.
Ayon kay Ong, iba ang sitwasyon sa Singapore sapagkat may ipinapatupad sila na maayos at malinaw na regulasyon pagdating sa coronavirus.
Mayroon aniyang kakayahan ang Singapore na maka-detect ng mga COVID-19 patients hindi katulad sa ibang mga bansa o lugar na itinatago ang bilang.
Bukod sa kagamitan ay natutukoy agad ng bansa ang mga possible carriers at agad itong ina-isolate sa mga tao.
Kung tutuusin din ay mas ligtas pa nga ang mga Pilipino sa Singapore dahil sa kanilang ipinapatupad na clear system sa COVID-19.
Ang Singapore din ang pinaglalagakan at dinadaanan ng mga produkto mula sa China bago ito payagang dalhin sa Pilipinas.
Reaksyon ito ni Ong, kasunod ng ginawang joint hearing kahapon ng Tourism at Economic Affairs Committee ng Kamara kung saan iginiit ng Tourism Congress sa mga mambabatas na i-lift ang traval ban sa Taiwan at sa halip ay sa Singapore dapat magpatupad ng travel ban dahil sa mataas na kaso doon ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.