Locsin tutol na isama sa travel ban ang Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 12:18 PM

Tutol si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na isama ang Singapore sa travel ban na pinaiiral ng pamahalaan.

Ayon kay Locsin, hindi niya susuportahan ang anumang hakbang para magpatupad ng travel ban sa Singapore.

Aniya, ang ban sa anumang bansa ay hindi dapat ibinabase sa bilang o dami ng tinatamaan ng COVD-19.

Aniya dapat na ibinabase ang pagpapatupad ng ban sa kakayahan ng isang bansa na maawat ang paglaganap ng sakit gayundin sa istriktong pagbabantay nito sa mga bumibiyahe papasok at palabas ng kanilang mga paliparan at pantalan.

Ang Singapore ay mayroon nang 58 kaso ng COVID-19.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teddy boy Locsin, travel ban, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, singapore, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teddy boy Locsin, travel ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.