Trillanes, 9 na iba pa ipinaaaresto na ng korte
(UPDATE) Iniutos na ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 ang pagpapaaresto kay dating Senador Antonio Trillanes IV at 9 iba pa.
Ito ay kaugnay sa kasong conspiracy to commit sedition na isinampa ng Deparment of Justice (DOJ).
Kabilang din sa ipinapaaresto ng korte sina Peter Jomel Advincula alias Bikoy, dating Police Sr. Supt. Eduardo Acierto, Joel Saracho, Boom Enriquez, Yolanda Ong, Vicente Romano III, Father Albert Alejo, Father Flaviano Villanueva at Jomel Sanggalang.
May kaugnayan ang kaso hinggil sa umano ay planong pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.
Nagrekomenda ang korte ng P10,000 pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.
Ang kaso ay may kaugnayan sa viral video na Ang Totoong Narcolist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.