Dalawang bagong tren ng PNR handa nang umarangkada
Handa nang umarangkada ang dalawang bagong tren sa linya ng Philippine National Railways (PNR) matapos makumpleto ang deployment nito sa PNR depot sa Maynila ngayong araw.
Karagdagang ginhawa sa mga public commuter ang hatid ng dalawang bagong tren na inihanda na sa depot ng PNR sa Tutuban, Maynila ngayong araw.
Inangkat pa mula sa Indonesia ang walong 8100 series ng diesel multiple units o DMU rail cars o bagon na binuo sa dalawang train set na may tig-4 na bagon.
Fully air conditioned, maliwanag at may mga security feature ang loob ng mga tren gaya ng pagkakaroon ng CCTV, safety signages, at iba pa.
Bawat tren ay kayang makapagsakay ng 1,000 pasahero kada byahe sa pagitan ng Tutuban at Alabang station.
Bahagi ang proyekto na ito ng 2018 train procurement ng PNR na layong maparami ang scheduled na byahe at makapag-serbisyo sa mas maraming pasahero.
Inaasahan na magsisimulang bumiyahe ang bagong tren sa Martes bagaman sasailalim muna ito sa validation test sa loob ng unang 150 hours na byahe nito na tinatayang aabot ng 10 araw.
Kinumpirma din ni ng PNR na makasasakay ng libre sa anomang ruta ng dalawang tren ang mga pasahero habang isinasagawa ang validation test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.