outbrain

LOOK: NLEX Harbor Link Malabon Exit bubuksan na sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 11:24 AM SHARE(S):

Nakatakda nang buksan sa mga motorista sa susunod na linggo ang NLEX Harbor Link Malabon Exit.

Ayon sa NLEX Corporation, sa February 21 ay magagamit na ng mga motorista ang nasabing kalsada.

Ngayong araw, ininsperksyon ni DPWH Sec. Mark Villar ang ginagawang paghahanda para sa pagbubukas ng naturang bahagi ng C3 Road.

Tinatayang nasa 1.2 kilometers ang haba ng kalsada.

Babaybay ito sa C3 hanggang sa Dagat-Dagatan segment.

Sa sandaling mabuksan na sa mga motorista ay magiging alternatibo itong ruta para sa mga patungo ng port area galing NLEX.

Excerpt: Ayon sa NLEX Corporation, sa February 21 ay magagamit na ng mga motorista ang nasabing kalsada.

TAGS: Breaking News in the Philippines, C3 Road, Dagat-Dagatan segment, Inquirer News, News in the Philippines, NLEX Corporation, NLEX Harbor Link Malabon Exit, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, C3 Road, Dagat-Dagatan segment, Inquirer News, News in the Philippines, NLEX Corporation, NLEX Harbor Link Malabon Exit, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.