Risk Assessment sa Taiwan tatalakayin pa lang ng inter agency task force ngayong araw
Pagpupulungan pa muli mamaya ng inter-agency task force ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang labis na apektado ng COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sa isasagawang pulong mamayang hapon ay ipiprisinta niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang risk assessment sa Taiwan, Hong Kong at Macau.
Ito ay para matukoy kung itutuloy o aalisin na ba ang travel ban sa nasabing mga lugar.
Isa rin sa pag-aaralan ay kung isasama sa travel ban ang singapore dahil sa mataas na rin ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa. / END
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.