outbrain

DILG kinumpirmang nasa drug watchlist nga si Espenido

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 10:09 AM SHARE(S):

Kinumpirma ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na nasa drug watchlist nga ng pamahalaan ang kontrobersyal na pulis na si Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Ayon kay Año, sasailalim pa naman sa validation ang pagkakasama niya sa narco list.

Si Espenido ay ilang beses nang pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pamumuno nito ng operasyon kontra ilegal na droga.

Kabilang sa mga kinalaban nito ang mga big-time suspected drug lord na si Reynaldo Parojinog ng Ozamiz City.

Una rito sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Francisco Gamboa na marami namang pulis na nasa narco lsit ng pamahalaan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, DILG, drugs watchlist, Inquirer News, Jovie Espenido, narcolist, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DILG, drugs watchlist, Inquirer News, Jovie Espenido, narcolist, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.