outbrain

Laban ng Gilas sa Thailand para sa Asia Cup qualifiers kinansela ng FIBA

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 10:01 AM SHARE(S):

Kinansela ng FIBA ang tatlong laro para sa Asia cup qualifiers.

Kabilang sa nakansela ang laban ng Gilas Pilipinas sa Thailand na dapat ay magaganap sa February 20.

Kanselado na rin ang laban ng Japan at China sa February 21 at ang laban ng China at Malaysia sa February 24.

Nakasaad sa pahayag ng FIBA Asia na ang pagkansela ay dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Ang laban ng Pilipinas at Thailand ay magaganap dapat sa Smart-Araneta Coliseum.

Wala pa namang desisyon ang FIBA Asia kung kakanselahin din ang laban ng Pilipinas sa Indonesia sa February 23 na magaganap sa Jakarta.

TAGS: Breaking News in the Philippines, FIBA Asia Cup, FIBA qualifier, Gilas Pilipinas, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PH vs Thailand, Radyo Inquirer, sports, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, FIBA Asia Cup, FIBA qualifier, Gilas Pilipinas, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, PH vs Thailand, Radyo Inquirer, sports, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.