High-value targets arestado ng PDEA sa CDO City

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Region 10 ang dalawang suspek na kapwa itinuturing na high-value target sa ilegal na droga.

Ikinasa ang buy-bust operation sa Barangay Nazareth sa Cagayan De Oro City.

Nadakip ang mga suspek na sina Warlon Lomongo at Norman Chiong.

Nakumpiska sa kanila ang 7 malalaking plastic sachet ng hinihinalang shabu, 3 medium size at 3 maliliit na plastic sachet ng shabu.

Tinatayang aabot sa P408,000 ang halaga ng mga nakumpiskang illegal na droga sa dalawa.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...