outbrain

Sunog sumiklab sa Barangay Carreta sa Cebu City; 8 pamilya nawalan ng tirahan

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 09:15 AM SHARE(S):

Walong pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Barangay Carreta sa Cebu City.

Naganap ang sunog, Biyernes (Feb. 14) ng umaga sa bahagi ng Sitio Malinaw.

Ayon kay Fire Officer 2 Emerson Arceo ng Cebu City Fire Department, sa ikalawang palapag ng bahay na pag-aari ng isang nagngangalang Jonel nagsimula ang apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nakitang umuusok ang air condition unit sa kwarto ni Jonel.

Aminado naman si Jonel na sampung taon na niyang ginagamit ang air condition unit.

Nagsimula ang sunog alas 6:14 ng umaga at naideklarang fire out alas 6:52 ng umaga.

TAGS: Barangay Carreta, Breaking News in the Philippines, Cebu City, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Sitio Malinaw, Tagalog breaking news, tagalog news website, Barangay Carreta, Breaking News in the Philippines, Cebu City, fire incident, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Sitio Malinaw, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.