11 distressed OFWs mula Dubai nakabalik na ng bansa
Dumating na sa bansa ang labingisang Overseas Filipino Workers (OFWs) galing Dubai.
Ang 11 distressed OFWs ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong umaga.
Nagtungo ng Dubai ang mga Pinay para magtrabaho pero ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, hindi maganda ang naging sitwasyon nila doon kaya nagpasailalim sa repatriation.
Pansamantala silang nanirahan sa Philippine Consulate General Office sa Dubai hanggang sa maiuwi ng Pilipinas.
Ang kanilang exit visa fees, immigration penalties, at airfare ay sinagot na ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.