Bentahan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila, matumal pa

Matumal pa ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa sa Maynila ngayong Valentine’s Day.

Inaasahan ng mga vendor na mamayang hapon magsisimulang dumagsa ang mga bibili ng bulaklak kapag nakauwi na ang mga estudyante at mga nagtatrabaho.

Narito ang ilang presyo ng bulaklak sa Dangwa:

– Baguio Roses P600/dozen
– Holland Rose P200 per pc
– Equatorian Rose P200 per pc
– Gerbera P400 10pcs
– Malaysian Mums P40/dozen

Ang halaga ng mga naka-arrange na bulaklak ay P400 hanggang P5,000 depende sa uri ng bulaklak.

Read more...