Zika outbreak, isa nang global emergency – WHO

By Kathleen Betina Aenlle February 02, 2016 - 04:13 AM

 

Ueslei Marcelino / Reuters

Idineklara na ng World Health Organization o WHO ang Zika virus outbreak bilang isang “public health emergency of international concern.”

Ayon kay WHO director general Margaret Chan, ang mabilis na pagkalat ng Zika ay isang extraordinaryong kaganapan na dapat pagtulungang maresolbahan.

Ngayon, ang alert category na ng Zika ay kapareho na ng sa Ebola.

Labis na ikinababahala ang mabilis na pagkalat ng Zika virus sa malalayong lugar, lalo na ang nakapanlulumong epekto nito.

Dahil dito, ang mga sanggol na ipinapanganak na naapektuhan ng Zika ay mayroong underdeveloped na utak na dahilan rin kung bakit maliliit ang kanilang ulo o ang tinatawag na microcephaly.

Ani Chan, ang prayoridad nila ngayon ay ang maprotektahan ang mga buntis na kababaihan at ang kanilang mga sanggol sa panganib na dulot ng mga lamok na may dala ng nasabing virus.

Kaugnay nito, pinayuhan niya ang mga buntis na kanselahin muna ang paglalakbay sa mga lugar na apektado ng Zika, at magpatingin agad sa doktor kung sila ay naninirahan naman sa mga apektadong lugar.

Dapat din aniyang protektahan ng mga buntis ang kanilang mga sarili laban sa mga lamok sa pamamagitan ng paglalagay ng insect repellent.

Dahil sa pagdedeklara ng global emergency, susubaybayan nang maigi ang mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa nasabing sakit at kung paano ito malulunasan.

Bagaman hindi pa sila ganoong katiyak sa mga detalye pa ng nasabing sakit, idineklara na ito ng WHO dahil ito na anila ang tamang panahon para kumilos laban dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub