Hubei Province nakapagtala ng 116 na panibagong nasawi sa COVID-19; global death toll umakyat na sa 1,486

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 08:43 AM

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 116 na nasawi sa Hubei Province sa China.

Dahil dito, umakyat na sa 1,486 ang global death toll ng COVID-19.

Tatlo sa nasabing bilang ay nasawi sa Hong Kong, Pilipinas at Japan.

Nakapagtala din ng 4,823 na panibagong bilang ng tinamaaan ng sakit sa Hubei.

Sa kabuuan ay mahigit 65,200 na ang kumpirmadong kaso ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.

Naging mabilis din ang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Japan at Singapore sa nakalipas na magdamag.

Ang Japan ay mayroon nang 251 na kaso,, 58 ang kaso sa Singapore, 53 ang kaso sa Hong Kong, 33 sa Thailand, at 28 sa South korea.

Ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng bagong kaso ng sakit sa magdamag ay ang Malaysia (1), Vietnam (1), Amerika (2) at UK (1).

TAGS: Breaking News in the Philippines, China, coronavirus disease, COVID-19, hubei province, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, China, coronavirus disease, COVID-19, hubei province, Inquirer News, ncov, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.