Alert status sa Bulkang Taal ibinaba na sa Alert level 2 ng Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 08:36 AM

FILE PHOTO
Mula sa Alert Level 3 na na nangangahulugang “decreased tendency towards hazardous eruption” ay ibinaba na sa Alert Level 2 o “decreased unrest” ang status ng Bulkang Taal.

Base ito sa inilabas na Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs simula noong January 26, 2020 ay nakapagtala na lamang ng mas kaunting volcanic earthquake activity sa Taal.

Humina na rin ang naitatalang gas emissions mula sa main crater nito.

Sa ilalim ng Alert Level 2 sinabi ng Phivolcs na bagaman nabawasan ang mga aktibidad sa pag-aalburuto ng Taal ay hindi naman nangangahulugan na nawalan na ang banta nito.

Sa sandaling magkaroon pa rin ng indikasyon sa posibleng pagkakaroon ng pagsabog ay muling itataas ang Alert Level 3 sa Taal.

Patuloy ang rekomendasyon ng Phivolcs na pagbabawal pa ring mapasok ang Taal Volcano Island na itinuturing na Permanent Danger Zone.

Pinapayuhan naman ang local government units na i-assess ang sitwasyon sa mga lugar nila lalo na ang mga nasa loob ng seven-kilometer radius.

TAGS: Alert Level 2, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alert Level 2, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Taal Volcano, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.