Ayon sa inihaing kaso ng US Grand Jury, ilegal na nakuha ang visa at iba pang immigration documents nina Guia Cabactulan, Marissa Duenas at Amanda Estopare nang pumasok sila sa US.
Kasabay nito, kinasuhan din sila ng labor trafficking dahil sa pagpwersa sa kanilang mga miyembro na mag-solicit ng donasyon para sa bogus na charity.
Sina Cabactulan at Duenas ay una nang naaresto sa pagsalakay sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa California.
Si Estopare naman ay naaresto sa hiwalay na operasyon sa Virginia.
Ayon sa federal prosecutors sina Cabactulan, Duenas, at Estopare ay nagdala ng church members sa US at sinabihan ang mga ito na magiging guests lamang sila para sa concert ng ministry ng simbahan.
Pero pagdating sa Amerika, kinuha ang passport ng church members, at saka pinwersa silang mangulekta ng donasyon para sa Children’s Joy Foundation na layon umanong tulungan ang mahihirap na bata sa Pilipinas.