outbrain

Biyahe ng mga tren ng LRT-1 extended ngayong Valentine’s Day

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 07:39 AM SHARE(S):

Pinalawig ng LRT line 1 ang biyahe ng mga tren nito ngayong araw, Valentine’s Day.

Ito ay para maserbisyuhan ang mga gagabihin sa pag-uwi ngayong araw.

Ayon sa LRT-1 ang last train nila mula Baclaran ngayong araw ay alas 11:00 ng gabi, mas mahabang isang oras kaysa sa alas 10:00 ng gabi sa normal na mga araw.

Ang last train naman mula Roosevelt ay alas 11:15 ng gabi kumpara sa alas 10:15 ng gabi kapag normal na araw.

Paalala ng LRT-1 bukas, Feb. 15 ay balik na muli sa normal na schedule ang biyahe ng kanilang mga tren.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, extended operation, Inquirer News, lrt 1, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, valentine's day, Breaking News in the Philippines, extended operation, Inquirer News, lrt 1, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, railways, Tagalog breaking news, tagalog news website, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.