Lalaki arestado sa buy-bust sa Makati

By Mary Rose Cabrales February 14, 2020 - 06:33 AM

Arestado ang isang lalaki na supplier umano ng droga sa Pasig sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Comembo, Makati City, Biyernes ng madaling araw (February 14).

Nakilala ang naaresto na si alyas Jakiri, 24 taong gulang, isang habal-habal driver.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Eastern Police District (EPD) at Makati police laban kay alyas Jakiri. Inaresto ang naarestong drug suspect matapos ituro ng isa pang drug suspect na hinuli ng EPD sa Pasig.

Nasabat sa suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong drug selling and possession sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Makati, metro news, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Makati, metro news, News in the Philippines, PH news, police report, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.