outbrain

Magkasintahan huli sa ilegal na droga sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 06:22 AM

Sa kulungan ang Valentine’s date ng magkasintahan sa Quezon City matapos maaaresto ng mga otoridad dahil sa ilegal na droga.

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang bahay sa bahagi ng Rose Street kanto ng Ilang-ilang sa Payatas.

Nakuhanan ang magkasintahan ng 13 gramo ng shabu.

Umamin naman ang lalaking suspek na ipinabebenta lamang sa kaniya ang ilegal na droga.

Napilitan lamang umano silang gawin ito para may maipangbili ng pangkain sa araw-araw.

Kapwa nakakulong ang magkasintahan sa Batasan Police Station.

TAGS: Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, News in the Philippines, Payatas, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Breaking News in the Philippines, buy bust, Inquirer News, News in the Philippines, Payatas, PH news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.