outbrain

Pulis patay sa pananambang sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 05:56 AM

Nasawi ang isang pulis makaraang pagbabarilin sa Maynila.

Nangyari ang pananambang habang nasa isang restaurant sa Arellano Avenue kanto ng Don Pedro St. ang pulis na nakilalang si Police Staff Sgt. Roel Orihuela.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 9 Commander Lt. Col. Samuel Pabonito, matagal na nadestino sa Mindanao si Orihuela at kababalik lang sa Metro Manila.

Inatasan kasi itong mag-report sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek na namaril sa pulis.

Bagaman nadala pa sa Ospital ng Maynila ang biktima ay binawian din ito ng buhay.

TAGS: ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, police, Radyo Inquirer, restaurant, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, manila, News in the Philippines, PH news, police, Radyo Inquirer, restaurant, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.