Bagong traffic scheme sa Alabang at EDSA Balintawak simula na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ang panibagong traffic scheme sa Alabang at EDSA Balintawak bunsod ng patuloy na konstruksyon ng Skyway Extension at Skyway Stage 3 Project.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) simula alas 6:00 ng umaga ngayon (Feb. 14) ay epektibo na ang bagong traffic scheme.

Kabilang sa pagbabago ang sumusunod:

ALABANG:
– Magpapatupad ng one-way traffic scheme para sa mga sasakyang pa-southbound sa West Service Road ng South Luzon Expressway (SLEX) mula Alabang Hills hanggang Alabang Zapote Road.
– Ang Skyway – Hillsborough off-ramp ay isasara sa daloy ng traffic. Ang mga Class 2 vehicles gaya ng bus at delivery vans mula sa Magallanes patungong Alabang ay hindi muna papayagang dumaan sa elevated Skyway.
– Magpapatupad din ng one-way traffic sa Northbound lane ng Alabang temporary Steel Ramp mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga araw-araw.
– One-way traffic scheme din ang paiiralin Skyway mula Sucat Interchange hanggang Alabang-Zapote Road at sa Southbound lane ng Alabang temporary Steel Ramp araw-araw mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng umaga kinabukasan.
– Ang mga apektadong sasakyan sa northbound ay pinapayuhan na dumaan sa Alabang via-duct at grade level.
– Tatagalo ng tatlong buwan ang proyekto ang traffic scheme.

BALINTAWAK INTERCHANGE
– Simula alas 11:00 ng gabi ngayong araw (February 14), isasara ang isang linya sa sa EDSA Balintawak Northbound patungong North Luzon Expressway para sa pagtatayo ng vertical bridge support sa ilalim ng EDSA Bridge
– Ang mga light vehicles patungongn NLEX at Monumento ay padaraanin sa Balintawak Interchange ramp kung patungo ng Cubao at maaring may U-turn sa Cloverleaf Market kung patungo naman sa NLEX
– Dalawang linya naman ang isasara sa EDSA Balintawak patungong Cubao sa February 16 (Linggo) para sa pagtatayo ng interconnection flatform tower sa ibabaw ng EDSA Bridge
– Ang mga light vehicles mula sa Monumento via EDSA bago dumating ng Balintawak ay maaring kumanan sa A. de Jesus St., kaliwa sa C3 patungo sa destinasyon
– Tatagal hanggang March 5 ang closures

Samantala, maglalagay din ng girders sa kahabaan ng A. Bonifacio kaya isang linya lang ang madaraanan ng mga patungong NLEX at dalawang linya para sa mga patungong Maynila sa loob ng walong araw mula February 22 hanggang February 29, alas 11:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Pinapayuhan an mga motorista na gamitin ang alternatibong mga ruta:

1. Light vehicles patungong NLEX at Monumento – dumaan sa Balintawak Interchange Ramp patingong Cubao, mag-U turn paglagpas ng Cloverleaf Market patungong NLEX
2. Light vehicles na patungong Novaliches at NLEX – dumaan sa zipper lane at kaliwa sa bago sumapit ng construction site patungong destinasyon
3. Light vehicles mula NLEX (going to Manila/Caloocan) – dumaan sa Balintawak Interchange Ramp patungong Monumento via EDSA at kaliwa sa A. De Jesus St., kaliwa muli sa C3 patungong destinasyon

Read more...