Driver ng jeep na nanagasa sa mga estudyante sa Makati positibo sa ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2020 - 05:31 AM

Nagpositibo sa ilegal na droga ang driver ng pampasaherong jeep na nanagasa ng mga tumatawid na estudyante sa JP Rizal sa Makati.

Isang 14 anyos na estudyante ang nasawi habang anim pa ang sugatan sa naturang insidente.

Maliban sa pag-positibo sa paggamit ng ilegal na droga, wala ring drivers license ang driver na si Crizalde Tamparong.

Nahuli na rin kasi ito at nakaaksidente kaya wala sa kaniya ang lisensya.

Sinabi ni Makati police chief Col. Rogelio Simon positibo ang inisyal na resulta ng drug test sa driver at sasailalim pa ito sa confirmatory testing.

Dahil dito, mahaharap sa patung-patong na kaso ang driver.

Ipinahahanap naman na ni Makati City Mayor Abby Binay ang operator ng jeep at hiniling sa LTFRB na suspindihin ang prangkisa nito.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Jeepney, jp rizal, ltfrb, makati accident, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Jeepney, jp rizal, ltfrb, makati accident, News in the Philippines, PH news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.