Total deployment ban sa Kuwait binawi na ng pamahalaan

Binawi na ng pamahalaan ang pag-iral ng total deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III maari na muling makapagproseso ng mga Balik Manggagawa at bagong hire na Household Service Workers sa nasabing bansa.

Ito ay matapos na makatugon ang pamahalaan ng Kuwait sa mga kondisyong inilatag ng Pilipinas.

Kabilang dito ang pagsasampa ng kaso laban sa employers ng OFW na si Jeanelyn Villavende.

Sumang-ayon din ang gobyerno ng Kuwait na aayusin ang kontrata ng mga stranded na OFWs .

Ang mga household service workers ay papayagan ding gumamit ng kanilang cellphones pagkatapos ng trabaho at dapat sila ay mayroong bayad kahit day off.

 

Read more...