WATCH: Pangulong Duterte nakiusap sa mga Filipino na huwag mataranta sa COVID-19

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino na maging kalmado at mapagmatyag sa gitna ng banta sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa isang video message, hinimok nito ang publiko na sumunod sa mga abiso para maiwasan ang sakit tulad ng paghuhugas ng kamay, takpan ang bunganga kapag umuubo o bumabahing at magsuot ng mask kung kinakailangan.

Maliban dito, umapela rin ang pangulo na pagkatiwalaan at tumutok sa mga impormasyong inilababas ng gobyerno at World Health Organization (WHO).

Hindi aniya dapat makinig sa mga kumakalat na haka-haka.

Alamin ang buong mensahe ng pangulo sa pamamagitan ng ulat ni Chona Yu:

Read more...