outbrain

Senior division events ng NCAA Season 95, ipinagpaliban dahil sa COVID-19

By Angellic Jordan February 13, 2020 - 09:30 PM

Ipinagpaliban ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang Senior division events sa Season 95.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng NCAA management committee na ito ay bahagi ng precautionary measure sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Magsisimula sana ang Senior division events sa araw ng Biyernes, February 14.

Sa kabila ng kahalagahan ng pagdaraos ng mga laro, sinabi ng NCAA na prayoridad pa rin ang kaligtasan ng mga estudyante.

Sinabi ng NCAA na iaanunsiyo na lamang kung kailan itatakda ang pagsisimula ng Senior division events base sa mga abiso at panuntunan ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at local government unit (LGU).

Sa huling tala ng DOH, nananatili sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa habang nasa 441 naman ang ‘persons under investigation’ (PUI).

TAGS: NCAA, NCAA management committee, NCAA Season 95 Senior division events, NCAA, NCAA management committee, NCAA Season 95 Senior division events

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.