Mayor Moreno, ido-donate ang P2-M talent fee mula sa isang kumpanya

Ido-donate ni Manila Mayor Isko Moreno ang nakuhang P2 milyong talent fee mula sa isang kumpanya.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ito ay matapos kunin ng ang alkalde bilang bagong endorser ng Fruitas Holdings Inc. (FHI).

Kabilang sa mga nagrepresenta sa FHI ang president at CEO ng kumpanya na si Lester Yu, Managing Partners Michael Chua at Gerard Maronilla.

Kasama rin ang legal consultants na sina Rusty Vidad at Ben Lozada, at Marketing Managers na sina Janin Tan at Diana Morales.

Ayon sa Manila PIO, ibibigay ang P2 milyong talent fee sa mapipiling benepisyaryo ni Moreno.

Read more...