outbrain

Japan, kinumpirma ang pagkasawi ng isang residente na positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan February 13, 2020 - 08:48 PM SHARE(S):

Patay ang isang babae sa Japan na positibo sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa isang press conference, kinumpirma ni Health Minister Katsunobu Kato ang unang kaso ng pagkasawi ng residente sa bansa na positibo sa nasabing sakit.

Nakatira ang biktima sa bahagi ng Kanagawa prefecture.

Gayunman, sinabi ni Kato na hindi pa malinaw kung ang virus ang naging sanhi ng pagpanaw nito.

TAGS: COVID-19, Health Minister Katsunobu Kato, Japan, COVID-19, Health Minister Katsunobu Kato, Japan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.