Kopya ng arrest warrant laban kay Trillanes ipinadala na sa PNP at NBI

Nagpadala na ng mga kopya ng arrest warrant ang Makati City Regional Trial Court Branch 142 sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang maisilbi ito kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ang arrest warrant ay may kaugnayan sa inihaing libel case ni dating Makati Mayor Junjun Binay laban kay Trillanes na nag-akusa dito na kumita diumano ng malaking halaga sa overpricing ng konstrukyon ng Makati Parking Building 2 project.
Kinakitaan ng probable cause ni Judge Dina Teves ang reklamo ni Binay laban sa senador.
Ayon naman sa kampo ni Trillanes, handa itong harapin ang naturang arrest warrant at magpakulong sa oras na magbalik na ito sa bansa.
Kasalukuyang gumagawa na rin aniya ng kaukulang hakbang ang kanyang mga abugado bilang tugon sa arrest warrant.
Si Trillanes, ayon sa kanyang staff ay dumadalo sa isang conference sa abroad.
Giit pa nito, hindi siya papayag na pamunuan ng mga ‘magnanakaw’ ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.