Inihayag ng Department of Health-Center for Health Development Bicol na nagnegatibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang limang ‘persons under investigation’ sa Bicol region.
Ayon sa DOH-Bicol, nagnegatibo ang tatlong PUIs mula sa Albay, at tig-isang PUI sa Camarines Norte at Masbate.
Dalawa sa tatlong PUI na nagnegatibo sa Albay ay nakalabas na rin ng Bicol Regional and Training Hospital (BRTTH) sa Legazpi City.
Sinabi pa nito na makakalabas na rin ng Bicol Medical Center (BMC) ang isang PUI mula sa Camarines Norte.
Samantala, nasa 12 ang ‘persons under monitoring’ (PUM) sa buong rehiyon kung saan anim ay mula sa Camarines Sur, lima sa Sorsogon at isa sa Masbate.
Muling hinikayat ng DOH CHD Bicol ang mga residente sa rehiyon na maging responsable sa pagprotekta sa sarili para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Tuloy din anila ang pagsasagawa nila ng protocol sa pagbibigay ng ulat ukol sa mga posibleng kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.