NPA member, patay sa engkwentro sa Cagayan de Oro

Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na bakbakan sa Cagayan de Oro City, araw ng Miyerkules.

Ayon kay 4th Infantry Division public information officer Maj. Regie Go, naganap ang engkwentro sa Barangay Besigan.

Iniulat aniya ng mga residente ang presensya ng hindi bababa sa 10 NPA members na naghahanap ng pagkain sa kanila.

Narekober ng militar sa lugar ang katawan ng nasawing NPA member kabilang ang tatlong baril.

Tumagal nang 15 minuto ang palitan ng putok ng baril sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at rebeldeng grupo.

Read more...