POGO na hindi nagbabayad ng buwis, hindi sasantuhin ng pamahalaan
Hindi sasantuhin ng Palasyo ng Malakanyang ang mga Chinese national na may-ari ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nagbabayad ng buwis sa bansa.
Pahayag ito ng Palasyo bilang tugon sa pahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na 60 percent sa mga lisensyadong POGO ang hindi nagbabayad ng buwis na aabot sana sa P50 bilyong withholding income at franchise tax.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, walang sacred cow ang pamahalaan.
Tiyak aniyang hahabulin sila ng pamahalaan gaya ng ginawa noon sa Philippine Airlines (PAL), Mighty Cigarette, Maynilad at Manila Water na hindi nagbayad ng buwis.
Sinabi pa ni Panelo na walang sinisino si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bastat nagkamali aniya ang sinuman, tiyak na hindi makalulusot sa batas.
“Then we’ll run after them. Very clear naman si Presidente doon, eh. No sacred cows in this government. You owe the government? We’ll run after you the way he did sa Philippine Airlines, Mighty Cigarette, water concessionaires. Lahat ‘yun. Walang sinisino si Presidente, eh. Basta nagkamali ka, meron kang transgression, hindi ka palulusutin,” ayon kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.