Pagbubukas ng mga paaralan sa Hong Kong, muling naantala bunsod ng COVID-19

Maaantala ang pagbubukas ng mga paaralan sa Hong Kong bunsod pa rin ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni Education Secretary Kelvin Yeung sa Hong Kong na palalawigin ang pagsasara ng klase hanggang March 16.

Aniya, naging basehan nito ang naging rekomendasyon ng mga health expert.

Layon din aniya nitong matiyak na handa na ang mga paaralan at suplay pangontra sa sakit bago muling pumasok ang mga estudyante.

Isa aniya sa susi para maiwasan ang nasabing sakit ay umiwas sa mga matataong lugar.

Matatandaang magbubukas dapat ang klase noong February 17 at unang pinalawig hanggang March 2.

Read more...