Travel ban ng Pilpinas sa Taiwan, hindi dahil sa One China policy; Travel ban sa Singapore, pinag-aaralan na rin
Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na walang halong pulitika ang travel ban na pinaiiral ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi ang One China policy ang naging batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa travel ban kundi ang kaligtasan ng mga Filipino.
“I asked the Presdient last night and he said it has nothing to do with that. It’s the safety. Very emphatic siya kagabi eh. It transcends borders sabi niya eh kung pinag-uusapan ang kaligtasan ng mga kababayan natin,” ani Panelo.
Kasabay nito, pinag-aaralan na rin aniya ni Pangulong Duterte na palawakin pa ang travel ban sa ibang bansa gaya ng Singapore at iba pa na may mga matataas na kaso ng COVID-19.
Iginagalang aniya ng Palasyo ang pagpalag ng Taiwan sa travel ban kung saan bilang ganti, tinanggal na ang pribilehiyong visa-free upon entry sa mga Filipino na bumibisita sa kanilang bansa.
“Each country has the right to react on any act perceived or taken by them as against its own interest. What can we do about it eh tayo rin, may sariling interes na inaalagaan ang interes ng kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan.
We understand where the reaction is coming from but they should also understand why we’re doing it,” dagdag pa nito.
Ayon kay Panelo, dati naman nang kumukuha ng visa ang mga Filipino kapag nagtutungo sa Taiwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.