Nadagdagan pa ang bilang ng ‘persons under investigation’ sa bansa na posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) bandang 10:00 ng umaga, nasa kabuuang 441 ang PUI sa bansa.
Sa nasabing bilang, 230 ang nananatiling naka-confine sa ospital habang 208 naman ang na-discharge na.
Pinakamaraming naitalang PUI sa National Capital Region (NCR) na may 80 admitted PUIs at 60 discharged PUIs.
Sumunod dito ang Central Visayas na may 35 admitted PUIs at 17 discharged PUIs.
Nasa 29 naman ang admitted PUIs sa Central Luzon habang 23 ang discharged PUIs.
Nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.