PNP, paiigtingin ang online monitoring vs fake news
Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang online monitoring para labanan ang pagkakalat ng mga pekeng impormasyon o fake news sa social media.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP chief General Archie Gamboa na dodobelhin ng Anti-Cyber crime Group (PNP-ACG) at regional units ang aksyon para ma-monitor ang mga kumakalat na maling detalye sa social media lalo ang mga patungkol sa mga isyu sa bansa.
Bumubuo na aniya ang PNP ang posibleng ‘legal offensive’ laban sa sinumang indibidwal na nagkakalat ng fake news.
Muling hinikayat ng opisyal ang publiko na iwasang mag-post o mag-forward ng mga hindi beripikadong impormasyon na posibleng magdulot ng panic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.