Pagputol sa VFA dapat nang isapinal – Makabayan bloc
Hindi na kailangan pang muling makipag-usap ang bansa sa Amerika para bawiin ang pagputol sa Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brozas, sa ngayon kasi ay may anim na buwan pang hihintayin upang maging epektibo ang pagbawi ng Pilipinas sa VFA dahilan upang maging bukas ito sa maari pang negosasyon.
Bukod anya sa VFA ay kailangan na ring putulin ng bansa ang Mutual Defense Treaty at ang Enhance Defense Cooperation Agreement o ang EDCA.
Hindi naman, ayon sa lady, solon na nangangahulugang pinutol ang VFA ay sasandal na ang bansa sa China.
Ang kailangan anya ay manindigan ang Pilipinas para sa mga Filipino at hindi sa kapakanan ng kano.
Hinamon naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang administrasyong Duterte na pag-aralan din ang mga kasunduan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa.
Hamon din anya nila sa Makabayan bloc sa Kamara na maging simula ito ng pagbuo ng independent policy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.