EDCA, MDT nanganganib na maibasura na rin

By Chona Yu February 13, 2020 - 02:42 PM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Nagpahiwatig ang Palasyo ng Malakanyang na maaring sumunod na rin sa Visiting Forces Agreement (VFA) na mapawalang bisa ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, kung pagbabasehan ang body language ni Pangulong Rodrigo Duterte, mukhang ayaw na rin nito sa EDCA at MDT.

Paulit-ulit na kasi aniyang sinasabi ng pangulo na panahon na para tumayo sa sariling paa ang Pilipinas at hindi na umasa sa ibang bansa at maging parasite.

“The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country. We can’t be relying forever. We cannot be a parasite to every country na ang gusto natin tumulong sa atin,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, binibigyang diin ng pangulo ang pagpapalakas ng sariling depensa ng Pilipinas.

Nakaangkla ang EDCA sa VFA samantalang nakassad naman sa MDT na magbibigay ng suporta sa isa’t isa ang Amerika at Pilipinas sakaling mayroong pag-atake mula sa labas.

TAGS: EDCA, MDT, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, vfa termination, EDCA, MDT, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, vfa termination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.