Makati City gov’t, tiniyak na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima na naararo ng jeep

By Angellic Jordan February 13, 2020 - 01:51 PM

Nangako ang lokal na pamahalaan ng Makati na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima na naararo ng isang pampasaherong jeep sa lungsod.

Nasawi ang isang estudyante na si Jules Villapando, 14-anyos, habang sugatan ang pitong iba pa sa naganap na aksidente sa Barangay Poblacion, Miyerkules ng gabi.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Mayor Abby Binay na inatasan na niya ang Makati police na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa aksidente.

Pinasasailalim din ng alkalde sa drug test ang drayber ng jeep.

Sinabi pa ni Binay na ipinahahanap na ang operator ng jeep at inirekomenda sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para masuspinde ang prangkisa nito.

Nakaanbatay din aniya ang quick response teams sa Ospital ng Makati at Makati Medical Center kung saan isinugod ang mga biktima para agad maasistihan.

Ani Binay, lubos niyang ikinalulungkot ang sinapit ng mga estudyante.

Nagparating din ng pakikidalamhati ang alkalde sa mga magulang ng mga biktima.

Nananawagan naman si Binay sa lahat ng taga-Makati na makiisa sa pag-aalay ng panalangin para sa mabilis na pagaling ng mga estudyante.

TAGS: Jules Villapando, Makati Police, Mayor Abby Binay, pag-araro ng jeep sa Makati, Jules Villapando, Makati Police, Mayor Abby Binay, pag-araro ng jeep sa Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.